Wednesday, September 28, 2005

AFP's Militarists-Propagandists Invade Region 8 Airwaves

KATUNGOD – SB – KARAPATAN
Alyansa ha Pagpanalipod han Tawhanon nga Katungod ha Sinirangan Bisayas
(Alliance for the Advancement of People’s Rights in Eastern Visayas)
Email: katungodsbisayas@yahoo.com, xandre24@yahoo.com
Website: http://www.karapatan.org

P.O. Box 204, Tacloban Central Post Office, Tacloban City, 6500 Leyte



Excerpts of the Exchanges between Col. Reynaldo Lanuzo,
Commanding Officer of the 62nd Infantry Battalion of the Philippine Army
and Marlon Taño, Anchorperson of Blocktime Program, “Tribune ha Diwa”
Broadcasted over Radyo Diwa, DyDW (531 KHz)on September 06, 2005


Marlon Taño (MT): So, adi mga kasangkayan, iton aton guest yana nga gab-i. Hi Lt. Col. Reynaldo Lanuzo. Siguro, makakaghatag ini hin komento, kay makuri kun kita iton mag-comment hini, mga kasangkayan, kay bangin kita pag-akusaran nga ah, ah NPA, I mean sundalo, ah, may… Didto (laughs). He. Mayda kita dida ha CRS (laughs). Hehe. Inin buhay-buhay. So, adi iton aton usa nga military. Gin-imbitar naton. Aber pa, mga kasangkayan, makaghatag ha aton hiton comment niya may paghisumpay hini nga ah, ambush.

Good evening, ah, Colonel.

Col. Reynaldo Lanuzo (CL): Good evening, ah, Marlon Taño, at ah maraming salamat sa pag-imbita uli dito sa Tribune ha Diwa para mapaliwanagan natin itong ating mga kasangkayan o kabugtuan bahin sa mga issues na dapat nating ah batunon.

MT: Inin ah mayda kita, mayroon tayong information, Sir, based on the testimony of Mister ah, Mr. Elmer Jullado na… At dito rin sa affidavit nito ni… I think this is the affidavit of Virgilio Oway y Oway, ito ‘yong affidavit niya. So, dito nagde-describe, kasi iyong narinig natin kanina na interview, sabi nila, sabi ni Elmer Jullado na, “Huwag kayong magsusumbong sa militar” at nangaro pa ng sorry, naghingi pa ng sorry, “Sorry, sorry”. What? What? Ano ba talaga ang gustong… Kasi iyong information namin doon sa Brgy. Libas, mayroon tayong, I think detachment doon. So, mayroong tatlong ah army na bumaba para mag-marketing.

So, is, how true is the report, Sir, na… Ganito ba talaga iyong… Ano ba talaga ‘yong information na nakuha n’yo?

CL: Alam mo, Marlon, ah. Iyon nga ang naipasabi sa atin, na mayroon daw… Ang tina-target daw ng NPAng ito ay ang mga sundalo. Subalit sa ating pag-agam-agam ay tinitingnan natin ang anggulo na itong mga NPA ay ayaw sa development.

MT: Aha!

CL: Dahil nakikita nila na iyong isang Barangay Libas ay may magandang sitwasyon, mayroong ilaw, mayroong tubig. So, ibig sabihin na ang mga tao doon ay nagtatamasa ng kagandahan sa buhay.

MT: Oho.

CL: Subalit, ano ang ginawa nila? Kusa nilang sinisira itong linya ng kuryente.

MT: Ayun! Ah. Oo, may…

CL: At pilit nila, pilit nila na dahil mayroong sundalo doon. Pilit nilang gustong ipababa ‘yong mga sundalo! Subalit, sa ating impormasyon ang sundalo ay maaaring nakababa.

MT: Ah, iyon.

CL: At ngayon, tinitingnan natin ‘yong anggulo na hindi lang ang sundalo ang kanilang target.

MT: Aha.

CL: Kundi iyong mga tao na gustong makabigay ng kasayahan sa mga kataupan ay kanilang target. Ibig sabihin, itong mga in-ambush nilang SAMELCO ay hindi lang ito napagkamalan. Kundi kilala nila na ito ay mga SAMELCO. Bakit natin masasabing kilala? Ito ay walang dalang baril. Ito ay dala-dala ‘yong mga tali. Dala-dala ‘yong…

MT: Iyong pang-akyat ng poste…

CL: Iyong pang-akyat, may dala-dala silang harness para pang-akyat ng poste. At bakit kailangan nilang ambusin? Bakit kailangan nilang patayin? Bakit kailangan nilang i-finish ang mga tao na kailangan nilang barilin sa ulo ‘yong mga taong ito?

Nakikita natin ang tama ni Ryan. Ang tama lang niya - isa sa paa at isa sa ulo. Ibig sabihin, ito’y nagpaparehas doon sa aking mga tao na inambus. Iyong mga tao natin na inambus sa Brgy. Caamlongan, saan ang mga tama nila? Ang tama noong aking mga tao sa katawan at sa ulo. Dahil ang tama sa ulo, ito ang pagkakataon nila. Na ‘yong pagwasak nila kung sino man ang tao na buhay pa ay kailangang barilin nila sa ulo.

Kaya ito, at pinapanawagan ko doon sa mga higher organs nila, na ito ba ang iyong gawain? Ito ba ang dapat niyong gawin sa mga taong walang kinalalaman? Walang ginagawa para sa katawhan. Ito, they just are servicing the people to give them the right services that they deserve. Binibigyan lang nila ng ilaw, tubig ang, ang mga katawhan.

Bakit kailangan nilang ambusin itong mga taga-SAMELCO II? Na aayusin lang iyong linya ng kuryente para mabigyan natin ng ilaw ang mga katawhan sa barangay. Itong malaking issue ito.

MT: This is a big issue talaga. Oo. Kasi, ang mga tao nagtatanong doon, Sir. Ah, kasi iyong information that ah iyong Sabado nagkaroon ng press conference at kinomfirm ito ni ah CG Ramos na sabi niya… Iyong… Itong sabi ni CG Ramos ng 8th ID, sabi niya ni Major General Ramos, sabi niya na ah confirmed ito, kinomfirm niya, “Sinisira daw allegedly ng New People’s Army iyong linya ng kuryente papunta sa Brgy. Caramayon”.

CL: Carangayon.

MT: Kasi sa Brgy. Caramayon doon naka-, doon kumukuha ng source ng tubig ang Catbalogan, Western Samar kaya hindi sila naka-pump. So, there effect is that, pag hindi sila naka-pump, iyong tubig talagang hihina doon sa Catbalogan. Nasisira talaga ‘yong ekonomiya ng Catbalogan. Halimbawa, iyong bisita doon, siyempre. Anong impression noong naka-hotel na walang tubig? Siyempre, masama iyong impression. Wala na pong pupuntang foreigner doon. Wala nang magiging bisita, di ba?

CL: Nakikita natin dito, Bantay Marlon, na itong CPP-N, NPAng ito ay talagang napalaking distroso sa ating ekonomiya, sa ating pagbuhay. Maliwanag, kung titingnan natin, ikaw na rin ang nagsasabi, at sinasabi ng ibang tao, na itong baranggay na ito ay nandidito ang watershed. Dito ang pinoprotektahan natin kung saan nagsisimula ang tubig ng Catbalogan.

MT: Yes, oo. Tama.

Kaya ang mga Catbaloganons, pakinggan n’yong mabuti na ito na mismo na mga NPA dapat labanan natin ito. Sila mismo gustong sirain ang supply ng tubig niyo. Hindi lang ang tubig niyo, ang kuryente sa isang baranggay. Kahit na isang lineman ng SAMELCO, ay pilit nilang gustong patayin sa pamamagitan nitong pag-a-ambush. Ito nakita natin. Namatay na si Mr. Gabon. Namatay na si Mr. Ryan Cabrigas. At namatay na si Engr. Dalmacio Cepeda.

Saan pa tayo pupunta? Nakikita natin at ipinapaliwanag ng isang Bantay Johann sa Lingganay ng ah Katarungan sang Linggo, na ang sinsabi nila na ang sundalo daw ang pumatay nitong mga SAMELCO II. Kay Bakit?

Sinasabi nila na ang sabi daw ni General Palparan na ang Catbalogan ay hawak, am cleared ng mga NPA. At sino daw ang naglalakad-lakad sa kabundukan kundi mga military? Kaya ang sinasabi niya, ang military daw ang nag-ambush sa mga taga-SAMELCO.

Maliwanag po na ito ay pawang kasinungalingan. Iyan si Bantay Ryan, tinitingnan niya, binabaliktad niya kung ano ang katotohanan. Ang mga NPA ang siyang nag-ambush sa mga SAMELCO dahil ayaw nila ng development. Maliwanag. Alas tres! Alas tres! Napakaliwanag ng araw niyan!

Hindi ba nila ma-identify kung ang isang tao ay sundalo o SAMELCO na nagta-trabaho po lamang. Tingnan n’yo po ang mga pamilya nito. Nasaan? Ano ang ikakabuhay ng isang pamilya? Halimbawa, ito po si Ryan Cabrigas.

MT: Yes. Hi Ryan Cabrigas, walo na magkakapatid iyon.

CL: Ito lang po ang inaasahan sa pamilya.

MT: Yes. Oo.

CL: Nasaan na ang kanilang puso? Ito ba ang tunay na ipinaglalaban nila? Papatayin nila ang isang empleyado ng SAMELCO II! Para lang makaserbisyo sa mga sangkatauhan? Subalit, tingnan n’yo po, mga kapatid. Nasaan ang kanilang ipinaglalaban? Ang kanilang sinasabi na para sila sa demokrasya? Para sila sa mga katauhan? Maliwanag po na ang nagpatay sa mga SAMELCO II ay mga NPA! Dahil ayaw nila ng development at ayaw nila na mabigyan ang mga tao ng mga Brgy. Libas ng kabutihan para sila ay mag-asenso.

Binabaliktad po, doon sa kung, kung nakinig po kayo sa Lingganay, binabaliktad ni barangga-, ni Bantay Johann na ang nagpatay daw ng mga SAMELCO II ay mga military.

Hindi po iyan gawain namin! Maliwanag, alas tres in-ambush po! Alas tres, maliwanag na ang araw! Ikaw po ba ay, magkakamali po ba kayo kung nakikita niyo, nakikita niyo kung ang tao ay armado o taga-SAMELCO lang. Sa araw ng alas tres? Magkakamali po ba kayo?

MT: Kasi… Sabi ng isang interviewee natin, Sir, naah iyong isang survivor doon. Sabi niya na. Tinanong ko… Kasi iyong isang iyong place diyan, actually nakapunta na ako sa Brgy. Cawayan. Brgy. Cawayan is a far place pero ganoon din.

Doon sa taas mismo sa Brgy. Libas, makikita mo iyong Maqueda Bay. So, sabi niya, one kilometer away, kitang-kita mo na iyong tao. Kasi cogon grass iyong naka-ano doon, ang tumutubo doon. Kitang-kita mo iyong tao. So, at …Ipalagay natin, three o’clock, kitang-kita mo iyong tao. Kung sino ang approaching. Iyong identity ng tao… Kung may armas o wala. Kasi, may trail doon eh. So, may ibig… May hindi... Hindi ko alam kung may implication ang isa nating interview, sabi niya, basta, you can easily recognize those people approaching sa area mo.

So, that means, sabi ko, sabi ko, tama kasi nakapunta na ako sa Brgy. Cawayan. Doon sa top ng mountain, makikita mo ang Maqueda Bay. Tapos, iyong mga tao doon sa Catbalogan, iyong mga big vessels ang makikita mo. So, iyong mga, iyong mga tao na approaching sa’yo, kilalang-kilala mo iyong identity like this SAMELCO. Kasi, naka-uniform. Pinakita sa akin ang uniform nila. Ah, naka-, ano iyon? Parang sweatshirt, blue. Tapos may imprinta na SAMELCO II na white. So, very clear.

Tapos, iyong interview natin kay kay Elmer Jullado, sabi niya na iyong nag-ambush is only mga six (6) meters away sa mga tao na inambus nila. So, very clear. You can identify talaga kung sino ang mga taong aambusin ninyo, di ba?

CL: Iyon nga sinasabi, Marlon. Na ang distansya, ang identification ng mga tao na dapat mong ay ah ay aambusin ay kilalang-kilala mo. Doon sa eryang iyon ay cogonal. Malayo pa ay makikita mo kung sino ang dapat mong ambusin. Kung iyan ba ay may baril o wala?

MT: O wala. Oo.

CL: Maliwanag kung ikaw ay linemen, ano ang mga dala mo? May dala kang tali.

MT: Tali.

CL: May dala kayong pang-akyat sa post.

MT: Pliers!

CL: Mayroon kang … Anong tawag diyan? Iyong boots na… Ngunit, bakit kailangan nilang ambusin? Maliwanag… Maagang maaga. Alas tres. O sa two-thirty in the afternoon. Kanilang inambus iyong tao. Mga lineman ng SAMELCO II. Bakit maliwanag na sila mismo, ayaw nila na mag-asenso iyong mga taga-barangay.

Dahil ang mga tao nagtatamasa ang mga taga-barangay ng ilaw, mabuhay ang tubig at matutulungan ang sundalo. Ayaw nila na iyong mga taga-barangay ay matutulungan ng mga taga-, ng mga sundalo.

Ito ay isang maliwanag na example, na kabaliktaran ng sinasabi ni Bantay Johann doon sa Lingganay. Na ang sinasabi niya sundalo daw ang bumaril nitong SAMELCO II. Bakit kailangan naming patayin ang SAMELCO II? Ano ang pakialam naming, kung kami ang tao, ang sundalo walang ibang hangarin kundi ang katahimikan, mabigyan natin ang mga tao ng kabutihan at makapag-trabaho nang mahusay. Para mabigyan nila ang mga anak nila ng kabutihan at mapag-aral para mag-asenso ang ating kabayanan.

MT: Oo. Pero, alam mo, Sir, ang isa na pinatatanong din ng mga tao, what is really… Kasi, bakit? Bakit? Based… According to the, to our interview to the…Kay Mr. Elmer Jullado, bakit sinabi na, “Sorry, sorry”? Bakit? Bakit ganu’n sila? Bakit nagsabi sila na “sorry”? Is this of mistaken identity or what? That is the big question! Bakit nagsabi na, “Sorry, sorry”. Eh patay na dalawa on the spot… (Laughs). Tapos, namatay din si Engr. Cepeda…

CL: Ito nga, Marlon, ang napakagandang k’wento niyan, kung baga kung nanonood ka doon sa Channel 5… Ito ‘yong…

MT: Ano?

CL: Wow! Mali!

MT: (Laughs) Hahaha.

CL: Sabi siguro nga NPA, “Wow! Mali!” Kaya itong nakita siguro niya, napatunayan nu’ng paglapit nila na mga SAMELCO II, sabi ng mga sunda… Eh di sabi noong mga NPA ay “Sorry, Sir, sorry, akala namin sundalo.” Pero, deep in their heart, ayaw talaga. Sinadya nila iyong pagpatay nitong SAMELCO II. Kung makikita natin doon sa area, cogonal. Malayo pa nakikita na niya ang taong approaching diyan. Maliwanag, nakikita natin kung iyong mga taong dumaraan ay may baril o wala.

MT: Tama. Tama.

CL: Maliwanag na ang dala-dala nitong mga SAMELCOng ito ay isang linya, mga tali at saka iyong pang-akyat sa pole… Bakit kailangan nilang patayin? Bakit kailangan nilang barilin sa kanilang, kanilang ulo? Para ito ay hindi na makapagsabi at ito ang tinatawag nilang ‘finishing touches’.

Kailangan nilang barilin sa ulo para sigurado na iyong tao ay patay. Iyan din ang nangyari doon sa aking mga tao na inambus nila sa Brgy. Caamlongan na kahit iyong dalawa (2) kong sundalo at isang opisyal ay buhay, pilit nilang pinagtataga at binaril sa ulo para maging siguradong patay.

Maliban du’n sa apat (4) na namatay, pilit pa rin nilang pinagbabaril sa ulo. Ito ba ang tunay na gawain ng isang mandirigma? Ah. Kung tinatawag man silang mandirigma, na kailangan mo pa bang tunay na barilin sa ulo para masigurado mong patay ang isang tao? Hindi ito isang puso ng isang mandirigma. Ang mandirigma, o base sa international humanitarian law, ang isang tao o mandirigma na may kasu-, susugatan ay hindi mo na dapat patayin pa. Dapat mo itong alagaan…

MT: At dalhin sa ospital.

CL: Pero ito ay violation ng international humanitarian law na kung sinuman ay may tama sa labanan ay dapat nating alagaan. Hindi mo na dapat patayin and totally barilin mo sa ulo para sigurado kang patay ‘yong iyong kalaban.

MT: As of now kasi, may mga inform… Kasi, as of now, ah pinanawagan natin iyong, kung talagang CPP-NPA iyong nagpatay mga NPA, so ipinanawagan natin noong last program natin. Ah mag-… Mag-issue sila ng official statement. Kung dini-deny nila o ina-accept nila ‘yong allegation na pag-ambush. At saka, may text dito, “Mamingaw man kuno it mga progressive groups.” (Laughs) Hehehehe.

CL: Iyan nga…

MT: Asan na ba iyong… Asan na kuno ang representative ng ISM?

CL: Iyan nga, Marlon. Gusto kong ipanawagan iyong ating mga Commission on Human, Human Rights at itong mga International Solidarity Mission, nasaan kayo?

Ito maliwanag na example! Maliwanag na example na isang SAMELCO na nagtutulong sa mga sangkatauhan ay kailangan iyong patayin ng mga NPA. Nasaan itong si Bantay Johann na sinasabi niyang military ang nagpatay nitong mga SAMELCO II? Dahil sa kanyang logic na ang sabi niya na iyong sinalita ni General Palparan na ang Catbalogan ay cleared. May mga tao doon sa taas, may mga kasundaluhan.

Ang paliwanag niya doon sa Lingga… Lingganay na sino ba daw ang naglalakad-lakad sa taas ng Catbalogan? Hindi ba mga sundalo? E di, ibig sabihin, sundalo daw ang nagpatay sa mga SAMELCO.

Mayroon bang sundalong naka-com… Naka-rubber boots?

MT: Kasi ‘yon…

CL: At mayroon bang mga sundalo na naka-kamiseta?

MT: Kamisa chino.

Kami-, kamise-, kamisa de chino? At nagsasabi pa, “Sorry, sorry, nagkamali kami”? Iyan ba ang gawain ng sundalo?

Kaya, ikaw, Bantay Johann, kailangang bago ka magsasalita at ako’y nakikinig sa inyong Lingganay, ayusin mo, siguraduhin mo! Na talagang military ba talaga ang nagpatay nitong SAMELCO. Dahil ang sa aming impormasyon, itong mga taong na nag-survive, maliwanag ang kanilang pinagsasabi na mga NPA ang pumatay at nag-ambus nitong taga-SAMELCO II. Dahil ayaw nila ng development. Ayaw nila na mag-enjoy ang mga tao. Ayaw nila ang mga tao mayroong ilaw, mayroong tubig sa kani-kanilang baranggay.

MT: Oo. May reaksyon kita didi ha telepono. Hello, good evening… Hello, hello.

Reactor: Hello?

MT: O, good evening!

Reactor: Na-react la ako hini nga pagtaga-… Hini nga mga NPA. Kay ini liwat nga mga sundalo pareho liwat hin nagpapatay hin kahoy na mga sanga la it ginpapangutod. Kautod hiton sanga nananaringsing ngahaw.

MT: Oho.

Reactor: Kun it puno man it at paggabuton na di na makapanaringsing.

MT: Oho. Tama liwat ano?

Reactor: Maaram man ada kita hiton balay ni Joma Sison. Amo la, Sir.

MT: O, thank you very much. (Laughs).

Iyong sabi niya, eh “Bakit iyong sundalo iyong ino-operate lang, iyong dinadakip ah iyong mga ano lang, iyong mga sanga lang, ‘yong mga branches. Bakit hindi iyong puno ng… ang kailangan dakpin. Ganoon ba.

CL: Salamat du’n sa nagtawag, ano? Alam mo, itong nakakataas na pinuno ng mga NPA, medyo nagkakaroon tayo diyan ng political color. Alam naman natin.

Iyong mga nakakataas na NPA ay nasa konggreso. Maliwanag iyan! Sila din ang nagpoprotektar nitong mga NPA, hindi ko na dapat pangalanan sa inyo dahil nakikita niyo iyan sa TV, naki-, naririnig n’yo iyan sa radyo, naririnig n’yo kung sino ang sumama nitong mga International Solidarity [Mission].

MT: Oho.

CL: Ang kailangan namin nito ay iyong nakakataas din sa amin.

Dahil kami bilang sundalo, ang tinitingnan namin ay iyong kanya-kanya namin na area of responsibility, kumbaga. Gaya ‘yong sa akin, bilang ako iyong battalion commander ng 62nd Infantry Battalion. Ang aking area ay from Hinabangan hanggang Talalora. Hindi ko po p’wedeng mapakialaman iyong ibang area at ito naman po ang nakasaad sa amin. Kung saan ‘yong area of responsibility mo, iyon lang po ang gampanan mo. Naintindihan ko po kayo sa inyong pag-react.

Na alam naman po natin kung sino iyong mga puno’t dulo o ang roots nitong mga CPP-NPA pero nagkakaroon po iyan ng political color.

MT: Oho.

CL: Kaya, sa tulong n’yo po siguro. At matulungan n’yo kami sa inyong suporta. Dahan-dahan po nating paliwanagan itong mga tao. Na hindi na po sila makumbinsi nitong mga CPP-NPA, mga NDF at makakaliwang mga organisasyon. Iyan lang po ang tangi nating maitutulong na hindi na sila makumbinsi, hindi na sila magsuporta at hindi na sila sasama sa mga rally-rally. At iyan lang po ang tangi kong hinihingi sa ating caller. Na matulungan n’yo po kami na kumbinsihin ang mga taong ito na huwag nang magsama-sama sa mga nitong makakaliwang mga organisasyon.

MT: Buweno, kasangkayan. Mayda usa pa naton nga pamakiana dinhi, ano? Igkadi. Aton ana igpinid, ano? Ini nga issue nga pagtaga-ambush. Kadi anay kita hini. Oy, aadi man… Ano iton kamatuoran, mayda kita didi nahikay nga mga report nga may taga-UEP daw ini nga missing nga estudyante, Sir? Kumusta, ano daw la it kamatuoran hini? Ano ini nga mga missing nga mga estudyante ha University of Eastern Philippines ba ini?

CL: O, alam mo, Ka Marlon. A, mayroon kaming hindi pa naman gaanong confirmed na reports na marami daw nang estudyante na pinatay ng NPA dahil hindi naniwala sa kanilang indoktrinasyon. Ha?

MT: Oho.

CL: Ginawa nila ay pinatakbo itong mga estudyanteng ito doon sa area ng tinaniman nila ng landmines. Anong nangyari?

Ito daw ay mga nangamatay, kaya tinatawagan natin ang mga kamag-, mga magulang dito sa University of Eastern Philippines at hindi lang diyan pati itong mga University of the Philippines dito sa Tacloban na i-check n’yo po ang inyong mga anak!

MT: Oho.

CL: Ulitin ko po i-check n’yo po ang iyong mga anak! Kung totoo ba na nag-eeskwela pa sa University of Eastern Philippines or sa University of the Philippines in Tacloban.

Paki-check lang po kung ang anak n’yo ay tunay na nag-aaral pa sa ‘yong mga eskwelahan. Dahil ang balita po namin ay mayroon daw more or less kwarentang (40) estudyante na naggagaling sa UP at naggagling sa UEP ang mga namatay dahil pinatakbo nila doon sa lugar na may mga landmines ay kusang nangamatay.

MT: Oho.

CL: At sana naman ito ay mabigyan ng pansin ng Commission on Human Rights at imbestigahan nila ang University of the Eastern Philippines. I-account nila ang mga estudyante doon kung totoo ba na talagang may nawawalang estudyante. Kung totoo bang mayroon ngayong nakikitang absentees…

MT: Oho.

CL: Sa mga klase. Para lang mapatunay natin doon sa ating na-, nakuhang impormasyon na more or less forty (40) students ang namatay.

MT: Ang Dami niyan! From University of the Philippines and UE.. University of Eastern Philippines.

CL: “Yan nga, Marlon, na-, ang aking kinakatakutan, ako bilang isang magulang na nagpapadala ng mga anak sa isang yunibersidad na kilala naman natin na mabuting yunibersidad, subalit ito ay hindi nababantayan ng mga maestra/maestro o ng administrasyon na itong mga batang ito ay pilit na nakumbinsi sa mga makakaliwang pag-iisip.

MT: Abaadaw!

CL: Kaya iyan! Makikita natin. Kaya naman siguro, itong Radyo Diwa ay nakakaabot sa Catarman…

MT: Yes. Abot tayo sa…

CL: At sa ibang lugar na may mga anak na nag-aaral sa University of Eastern Philippines na tingnan nila. Kung tunay ba na ang kani-kanilang anak na akala nila nag-aaral. I-check nila ang kani-kanilang anak na akala nila nag-aaral pa ‘yong kanilang mga anak. Subalit, ito ay nandu’n na!

MT: Abaadaw! Tssk! Tssk!

CL: Kailangan nilang i-check ‘to at kung ang anak nila ay hindi pa nakakauwi, laging absent na in one week, makisuyo po kayo. Makipag-ugnayan po sa, kayo sa akin, sa 62nd Infantry Battalion sa Calbiga o sa Catbalogan, sa aming dibisyon, sa 8th Infantry Division. Para naman makita natin kung itong mga batang ito na hindi na pumapasok sa klase. At nawawala na ng more or less isa o dalawang linggo.

MT: Oho:

CL; Para mapaliwanag natin, ipanawagan natin dito sa mga NPAng ito, lalung-lalo na sa mga higher organs, ipaliwanag nila kung bakit ito nawawala, itong mga estudyanteng ito? Gaya ng mga ginawa nila iyong – mga Missing Link, mga Operation Ahos, Operation Zombie, kung saan nagkakaroon kasi ngayon ng mga purging – iyong mga lideres nila na pinaghihinalaan nila na medyo may connection sa military. Kusa na nilang pinapatay.

MT: Oho.

CL: Kusa na nilang pinapatay. Ito ang tinatawag nilang purging - “cleaning of their ranks”.

MT: Aha! Ganoon ba ‘yon?

CL: Kaya, mayroong maraming namamatay na iyang naibibigay lang na impormasyon sa atin ay naipapaliwanag natin. Subalit, iyong mga tao na namamatay na hindi nag-leak ‘yong impormasyon ay hindi natin nalalaman. Kaya maliwanag nito sa mga magulang, mga kapatid, hanapin niyo ang iyong mga anak na nag-eeskwela sa University of Eastern Philippines. Kung hindi na sila nakakapagkontak within one week. Hanapin n’yo na po at makipag-ugnayan po kayo sa 8th Infantry Division, sa akin bilang battalion commander ng 62nd Infantry Battalion para matulungan po kayo mahanap kung nasaan man ang iyong mga anak.

At ito naman na isang panawagan, maliban po sa mga estudyanteng nawawala, marami pa pong mga kabataan at the age of ten (10) years old and above, na nire-recruit ng NPA. Sinasama-sama ng mga NPA. Para gawing mga armado.

Kaya, ulitin ko po again, ito po sa mga magulang na nadiyan sa mga tayod, bantayan niyo po ang mga anak niyo, kung mayroon kayong mga anak na nawawala o tatlong araw hindi po nagbabalik sa inyo, tanungin niyo po ang iyong anak kung saan nagpupunta. At baka ito ay narerekrut na ng mga NPA. Para naman hindi po natin hayaan na itong murang isip ay nakumbinse nitong mga CPP-NPA. Bigyan po natin sila ng pagkakataon na ma-edukar, mabuhay at maayos ang kanilang pamumuhay bilang isang miyembro ng sosyedad.

MT: Okay. Kasangkayan, nagkabat na kita, ano? Ha ngaran gihapon… Maupay gihapon adton mga impormasyon nga iginpadangat ni Lt. Col. Lanuzo.

Ha ngaran gihapon didi hiton aton bisita ngan ha ngaran gihapon ni Babes Adona, kasangkayan, mayda pa gad kita mga interviews, sugad man exclusive interview kan Major General Ramos, iton ah commanding general han 8th division han Philippine Army may paghisumpay hinin mga issues.

Pero tungod kay ginkukulang kita hit, kinakablas kita hiton oras. Ah, sunod na gihapon nga higayon siguro. Ah, yana nga Huwebes. Ngan sugad man Sabado, igpapadayon ta iton aton programa nga Tribune ha Diwa. Ngan maupay nala nga pamati ha aton kabug-osan nga Western Samar nga permanente naka-monitor hiton aton programa Tribune ha Diwa.

Buweno. Mga kasangkayan, ini an iyo sangkay, Marlon Taño. Basta serbisyo ug balita, numero uno, Radyo Diwa!

Standard Extro


CERTIFICATION



We profess the correctness of the foregoing transcription. We posess the original tape ready for cross-reference.





KATUNGOD-SB-KARAPATAN

2 Comments:

At 9:35 AM, Blogger job opportunitya said...

Cool blog. I dig your site outline and I plan on
returning again! I just love finding blogs like this
when I have the time.
I want you to look for my san francisco motorcycle accident lawyer blog.

 
At 8:16 PM, Blogger Healing Broken heart said...

Ang astrolohiya mao ang labing maayong butang alang sa kinabuhi. Kini mao ang yawe sa tanang matang sa mga problema sa kinabuhi. Kon adunay bisan kinsa nga tawo nga adunay mga problema sa kinabuhi unya siya kinahanglan nga makigtagbo uban sa labing maayo nga astrolohiya nga espesyalista sa City nga nakig-kontak sa Templeofanswer@hotmail.co. uk / + 234 (815) 542-5481

 

Post a Comment

<< Home