Wednesday, September 28, 2005

Gen. Coloma: Same Perpetrators Killed Attys. Dacut and Bocar, Rev. Lapuz and Bandilla!

KATUNGOD – SB – KARAPATAN
Alyansa ha Pagpanalipod han Tawhanon nga Katungod ha Sinirangan Bisayas
(Alliance for the Advancement of People’s Rights in Eastern Visayas)
Email: katungodsbisayas@yahoo.com, xandre24@yahoo.com
Website: http://www.karapatan.org

P.O. Box 204, Tacloban Central Post Office, Tacloban City, 6500 Leyte


Excerpts of the Interview of Gen. Dionesio Benito Coloma,
Regional Director of the Philippine National Police
by Thor Bibar, Anchorperson of Bantay Isyu Program over Radyo Diwa
on September 06, 2005


Gen. Dionesio Benito Coloma, Regional Director of the Philippine National Police:

…Kay Norman, si Norman, kaibigan ko ito eh. Siya ang tumulong sa akin sa Manicani problem. Oo, at nagkakaroon ng kuwan, mayroong Inter-Agency Night sa plaza ng Borongan noong sa tawag ng pangangailangan, pumunta siya sa tabi ng Rural Bank, humanap ng madilim para ‘ika nga magpalipas konti. Ha? Umihi siya ro’n.

At magaling, magaling iyung salarin at tinyempuhan niya na... Siyempre, pag nagpapalipas ka nang ganu’n, ikaw lang, ikaw lang mag-isa at hahanap ka ng madilim. At doon binanatan sa habang umiihi si Kaibigang Norman. At iyon nga, isang bala lang. Tinutukan sa ulo, sa likod at through-and-through, through-and-through ‘yong tama.

So, immediately after that, dahil nu’ng mangyari iyan, Bantay Thor, I was in Guiuan in Eastern Samar. I was about to go to Borongan to attend the affair. But, komo gabi na masyado, nasa Guiuan ako. Malayo ang Guiuan to Borongan, I decided to stay and called up the provincial director to represent me doon sa okasyon sa plaza ng Borongan.

Thor Bibar, Anchorperson of Bantay Isyu Program over Radyo Diwa:

So, nandu’n mismo ang provincial director at saka iyong governor?

Gen. Dionesio Benito Coloma, Regional Director of the Philippine National Police:

While the governor was there, ‘yung provincial director umuwi na dahil 1:45 na ng umaga. At patapos na ang programa, Bantay Thor. Si Governor ang nandoon nalang at saka mga ibang opisyales. At eto na nga ang nagyari.

Kaya, right after the incident, Col. Manito called me up. One-fifty (1:50) nalaman ko rin ang insidente at ito na nga. Nag-organize kami ng Task Force Bocar kaagad. At nan-, right now, nandoon sa Borongan iyong cartographer namin at nagsasagawa ng cartographic sketches. Pero ang hirap, ang hirap kumuha ng testigo dahil napakadilim ‘yung lugar. At saka mada-, medyo madalang na rin ang tao noon dahil pauwi na ‘yong mga tao.

Kaya, talagang hinintay, hinintay ang pagkakataon para ma-sure ng salarin na talaga makuha niya…

Thor Bibar, Anchorperson of Bantay Isyu Program over Radyo Diwa:

Ano ang ginamit na armas, General, General Coloma?

Gen. Dionesio Benito Coloma, Regional Director of the Philippine National Police:

Caliber 45. Isang tama lang. Nakuha namin ang empty shell at ito ngayon ang hawak ng Task Force Bocar. At ipapa-ballistic ito at ipapakumpara. Ikukumpara doon sa iba pang na-recover sa iba pang killing at shooting incident ng mga katulad ni Kasamang Norman.

Thor Bibar, Anchorperson of Bantay Isyu Program over Radyo Diwa:

Ano ang motibo, Sir, sa pagpatay kay Bocar?

Gen. Dionesio Benito Coloma, Regional Director of the Philippine National Police:

Ay, until now ay di pa natin ma-establish. At ang isang motibo ditto siyempre ang tinitingnan at parang iyon din ang ina-advance ng pamilya, iyong paging regional chairperson niya ng BAYAN. Isang motibo rin ‘yan.

And then, sa pakikipanayam naming sa pamilya at sa mga kapitbahay, wala naming kalaban daw si Norman dahil napakabait. Binata pa ito eh. Oo. At saka, palagi rin kami nagtatawagan sa telephone. Kaya sabi ko, napakabait ng tao. Bakit naman ganu’n ang ginawa sa kanya?

Thor Bibar, Anchorperson of Bantay Isyu Program over Radyo Diwa:

I see. Thank you very much, Gen. Coloma.

Gen. Dionesio Benito Coloma, Regional Director of the Philippine National Police:

Thank you, Bantay Thor, mabuhay ang Radyo Diwa.

Thor Bibar, Anchorperson of Bantay Isyu Program over Radyo Diwa:

Okay. Thank you. Si General Dionesio Coloma, regional director. Alas otso treynta y dos (8:32 A.M.)

I profess the correctness of the foregoing transcription.

KATRINA R. CASTILLO
Research and Documentation Desk Officer
TUNGOD-Sinirangan Bisayas

1 Comments:

At 8:09 PM, Blogger job opportunitya said...

Excellent blog. Your site was great and will be
finding it again!  I surf the net for blogs like
yours.
In my spare time I will look for your blog.

 

Post a Comment

<< Home