Wednesday, September 28, 2005

Revisit our Ouster Campaign against Palparan

Magandang hapon Miss Capio, ito po si Alex Lagunzad mula sa Tacloban City, Eastern Visayas.

Organisasyon ng karapatang pantao nananawagan,
“Remove, Investigate and Prosecute Palparan Now”


Aabot na ng apat na raan limampu’t pito (457) na kaso na ng mga human rights violations ang naitala at pitumpung libo’t limampu (7,050) ang mga apektadong indibidwal ang naisadokumento ng lokal na organsasyon ng karapatang pantao dito sa Silangang Kabisayaan mula ng hirangin ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo ang tinaguriang berdugo ng Mindoro bilang hepe ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Lumalabas na may may 3 cases ng human rights violations kada araw dito sa amin dala ng kontra-insurhensyang digma ni Palparan na nagbantang, “susugpuin ang anumang porma ng kontra-gubyernong protesta sa aming rehiyon sa loob ng anim na buwan”. Ang HRVs na ito nagre-range mula sa pagpaslang, pagdukot, pananakot at pekeng pagpapasurender, at tahasang di pagtalima sa batas ng digma.

Pinakahuli rito ang ay ang dalawang bugso ng mass evacuations sa bayan ng Basey, Samar kung saan naiulat na nagkakaroon ng indiscriminate firing at bombing operations ang mga military sa Brgy. Mabini at Manlilinab.

Unang lumikas ang aabot sa 1,500 ka tao na residente ng Brgy. Cancaiyas at Villa Aurora dahil sa takot sa clearing operations ng 46th Infantry Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Manuel Ramos noong ika-20 ng HUlyo. Nauna nang pinalayas ang yunit na ito ng mga residente ng Basey at idinestino sa Bohol ng nakaraang taon, dahil sa mga abuso ng karapatang tao sa panahon ng operasyong militar.

Mga 2,00o katao naman ang lumikas mula sa Brgys. Manlilinab at Mabini noong Hulyo 22, 2005, dala-dala ang kani-kanilang pamilya, kagamitan at gayundin ang mga kalabaw at gamit-pansaka.

Kaninang umaga, natagpuang patay si Constancio Calubid, isang magsasaka at kasapi ng Lupong Tagapamayapa sa Brgy. San Adres Villareal Samar.

Siya ay ginulpi, tinortyur at dinukot ng isang company ng mga military na pinaghihinalaan na nasa ilalim ng 801st Infantry Battalion na pinamumunuan ni Col. Ver at nakabase sa Hinabangan, Samar.

Ayon sa mga kapamilya na nakasaksi ng dukutin siya noong ika-16 ng Hulyo, pinaghihinalaan ng militar na siya ay kasapi o sympathizer ng NPA dahil sa apelyidong Calubid nga raw ayon sa mga militar ”ay apelyido ng mga NPA”.

Sa gitna ng karumaldumal na mga pangyayaring ito dulot ng kampanya ni Palparan, walang isinasagawang klarong hakbangin ang Commision on Human Rights dito sa Rehiyon sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Paquito Nacino.

Napag-alaman ng Katungod-Eastern Visayas mula sa panayam bng isang lokal na pahayagan sa Tacloban sa kinatawan sa House of Representatives na si Congressman Reynaldo Uy na ang paghihirang kay Jovito Palparan at ang malawakang HRVs at pagsasawalang kibo ng kasalukuyang administrasyon hinggil dito ay ”isa sa mga basehan sa kanilang impeachment complaint kontra kay GMA”.

Ayon pa kay Uy, ”I have signed the impeachment complaint against the President. It seems hopeless that Palparan would be removed from the region”.

Ayon pa sa kanya, “He is a big disgrace to the administration of President Arroyo who is facing a grave problem herself”.

Ayon naman kay Cong. Figueroa, sa naturang panayam, “We want the immediate removal of Gen. Palparan in Samar province and in the region. And if the president will not heed our call for her to remove him, I will sign the impeachment complaint against her”.

Kaya, minarapat din ng lokal na human rights organization ang KATUNGOD-Sinirangan Bisayas na manawagan na patalsikin, litisin at kasuhan ang hepe ng 8th ID na siyang may sala sa malawakan at sistematikong pagsasawalang bahala sa karapatan ng mamamayan at pagyurak sa karapatang sibil kahit na ng LGUs dito sa rehiyon.

Sonia


Mula dito sa Tacloban City, Eastern Visayas, ito po si Alex Garcia Lagunzad, nag-uulat para sa NGAYON NA, BAYAN! DZRJ 810 kHz, Radyo Bandido.

1 Comments:

At 10:47 PM, Blogger job opportunitya said...

Captivating blog. I love surfing the web for the
type of blogs that you do. It had me on the edge of my
seat and I kept going back to again and again!
I'm looking at the possibility of checking your san francisco motorcycle accident lawyer blog.

 

Post a Comment

<< Home